By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Isinailalim
kahapon sa orientation ang mga pangulo ng unang sampung asosasyon na pasok sa
Self- Employment Assistance para sa Kaunlaran o SEA- K na bahagi ng
pagpapatupad ng livelihood support program sa Unang Distrito ng North Cotabato.
Pinangunahan ni Department of Social Welfare
and Development o DSWD Region XII Focal Person for North Cotabato Ramil Tamama
ang nabanggit na oryentasyon na idinaos sa Kapayapaan Hall dito sa bayan.
Ayon kay Tamama, mahalagang maipaliwanag sa
mga benepisyaryo ang kanilang mga responsibilidad at maihanda ang kanilang mga
sarili para sa isasagawang serye ng pagsasananay sa larangan ng financial
management at pagnenegosyo.
Ngayong taon, abot sa dalawamput- apat na
SEA-K associations ang inaprubahan ng DSWD para maging benepisyaryo ng nasabing
programa kung saan katuwang ng ahensya sa implementasyon nito ang opisina ni
North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan.
Sa ilalim ng SEA-K Scheme, bawat asosasyon
ay pahihiramin ng gobyerno ng P150 thousand pesos na magsisilbing tulong para
sa mapipiling proyekto o negosyo ng mga benepisyaryo.
Ang nasabing halaga ay ibabalik ng mga
benespisyaryo sa pamahalaan ng walang babayarang interes.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento