Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hazing sa mga fraternity at sorority mahigpit na ipinagbabawal sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Mahigpit na ipinagbabawal sa University of Southern Mindanao ang hazing sa mga Fraternity at Sorority sa matapos na naglabas ang Office of the Vice president for Academic Affairs ng USM ng Memorandum No. 024 series of 2014 kahapon ng hapon.

Sa isang kalatas sinabi ni Vice President For Academic Affairs, Palasig Ampang na mahigpit na ipinagbabawal ang Hazing sa mga aspirant at neophytes sa mga fraternity at sorority sa loob ng campus matapos na aprubahan ni USM President Dr. Fransisco Gil Garcia ang nasabing kautusan.


Ginawa ni Dr. Ampang ang deriktiba matapos na mapatay dahil sa hazing ang isang estudyante ng makaraang sumali sa fraternity sa La Salle, St. Benilde.

Pinagbabawalan rin ang mga outsiders at non-USM students na makilahok sa kahit anong fraternity at sorority.

Mahigpit rin na kinundina ng pamantasan ang paghikayat ng mga faculty or employees sa mga estudyante na sumali sa mga fraternity at sorority.

Samantala, inihayag rin sa nasabing memorandum ang pagsumite ng Travel Order ng mga faculty na aalis sa unibersidad ng apat or mahigit pang mga araw. Kalakip sa Travel Order ay ang plan at schedule ng klase at make-up classes ng nasabing guro para sa kanyang mga estudyante.


Dagdag pa rito, ipinagbabawal din ang suspension ng classes o pagsasagawa ng mga klase, maliban na lang kung to ay University Big Events gaya ng Recognition at Foundation Day Celebration, o mga nationally-declared holidays at mga importanteng aktibidades. Rae Marie Cadelina Manar, DXVL News.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento