(Cotabato/ July 8, 2014) ---Binulabog ng
sigawan at iyakan ang Notre Dame Village High School matapos sinapian diumano
ang 20 mga estudyante dakong alas 9:00 ng umaga kahapon.
Ayon kay assistant school principal Dr.
Samuel Bayeta ng naturang paaralan nangyari ang insedente matapos ang flag
ceremony ng mga estudyante.
Nabatid na karamihan sa mga estudyante na
umano’y inatake ay nasa third year level, ang iba naman ay nasa first year
level, grade 9 at senior high school.
Maalalang noong nakaraang miyerkules, July
2, habang nagsasagawa ng simultaneous disaster preparedness drill ang mga
estudyante ng NDVNHS ay bigla na lamang nakaramdam ng pagkahilo, ang iba
hinimatay,at ang iba naman ay naging bayolente at sumisigaw.
Kahapon, pagdating ng mga nurse mula sa City
Health Office ay nakabulagta na ang mga nasabing estudyante at nag iiyakan na.
Sa ngayon dinala na ang 13 mga estudyante sa
Cotabato Regional Medical Center.
Samantala suspendidio naman ng tatlong araw
ang klase ng nassabing skwelahan dahil sa naturang insedente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento