Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamilya ni Ka-kunektadong Irah Palencia Gelacio, humiling ng imbestigasyon sa pagkamatay nito

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Pormal ng naghain ng reklamo ang pamilya Palencia Gelacio laban sa Lying In ng Rural Health Unit ng Kabacan sa opisina ni Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon ng umaga.


Mismong ang mister ni Irah Palencia Gelacio na si Gerald Gelacio at Father in Law nito ang nag-abot ng reklamo kay Municipal Administrator Ben Guzman upang magsagawa ng masusing imbestigasyon in aide of legislation upang malaman ang totoong dahilan ng nangyari sa mamamahayag.

Bagama’t walang planung magsampa ng kaso ang kampo ni Irah, nais lamang nila na mabigyan ng kaukulang aksiyon ang nangyari sa pagkamatay ng broadcaster.


Ito para hindi na rin ito maulit sa iba pang mga manganganak.

Sa panig naman ng RHU Kabacan, sinabi ni Dr. Sofronio Edu Jr. na nagpulong naman ito sa kanyang mga medical staff at napag-usapan na nila sa kanilang lebel.

Wala pa namang opisyal na inilalabas na pronouncement ang pamunuan ng RHU Lying In hinggil sa nangyari.

Samantala, tiniyak naman ni Municipal Administrator Ben Guzman na kanilang tutulungan paimbestigahan ang nangyari kay Irah Palencia Gelacio.

Kanyang umanong isusumite ang sulat reklamo ng pamilya Gelacio sa Sangguniang Bayan para maisalang sa deliberasyon at maipatawag sa konseho ang pamunuan ng Rural Health Unit partikular na ang midwife at Nurse na nagpa-anak sa 29-anyos na DXVL Newscaster at Broadcast Traffic Officer.

Ito para malaman kung nagkaroon nga ba ng kapabayaan sa nangyaring panganganak ni Irah matapos na maubusan ito ng dugo ilang oras na magluwal ng sanggol.

Umaasa naman ang Pamilya Gelacio na mabigyan ito ng patas na mbestigasyon at matutugunan ito ng administrasyong Guzman at hindi lamang mababaon sa limot. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento