Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binatilyo, patay sa pamamaril sa Cotabato City

(Cotabato City/ July 9, 2014) ---Patay ang isang 23 anyos na lalaki makarang pagbabarilin ng mga di pa kilalang suspek sa harap ng Superama Express sa Don Rufino Alonzo St-Bonifacio St Cotabato City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng Police Station 1 ang biktima na si Tomas Lumabao, single at residente ng Mother Brgy. Bagua ng Lungsod.

Ayon sa report naglalakad lamang ang biktima sa nasabing lugar at bigla na lamang hinintuan ng puting van at lumabas ang isang lalaki at pinagbabaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima gamit ang caliber 45 pistol na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa nasabing pamamaril.

Samantala nahaharap naman sa kasong frustrated murder ang isang Eugene Borniego,19 anyos matapos saksakin ang isang pinaniniwalaang bakla sa Dapdap, Rosary Heigths 2 Cotabato City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Jacky Perago na ngayon ay nagpapagaling na sa Cotabato Regional Medical Center.

Ayon sa report bigla na lamang pinasok ng suspek ang biktima sa boarding hauz nito at sinaksak.

Mabilis namang rumisponde ang Police Station 1 at nahuli ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na  habang patuloy pa itong iniimbestigahan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento