Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

FOI Bill Forum, gagawin sa Kidapawan City

(Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2014) ---Isasagawa ang isang forum hinggil sa Freedom of Information bill sa Mini-Auditorium ng DXND sa Kidapawan City mula alas 8:00 hanggang alas 11:00 ng umaga bukas.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni National Union of Journalist of the Philippines NUJP Kidapawan City Chapter President Malu Cadeliña Manar.

Ang aktibidad ay pangungunahanng NUJP, Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas at Philippine Press Institute.

Panawagan ng opisyal na ipasa na ang matagal ng nakabinbin na panukalang Freedon of Information Bill sa kongreso.

Sa pamamagitan ng forum na ito, ipaliwanag sa mga lalahok ang kahalagahan ng nasabing panukala.

Inihalimbawa ni Manar na sakaling maipasa ang nasabing bill, mabibigyan ng pagkakataon hindi lamang ang mga mamamahayag kundi ang mga ordinaryong tao na mabusisi kung paanu gagastahin ng gobyerno ang pondo ng taong bayan.

Kaya sa pamamagitan nito ay maipamulat sa publiko ang kalakaran sa loob at labas ng pamahalaan.


Hinikaya’t ng opisyal ang publiko na dumalo sa nasabing pagpupulong kasama na ang mga estudyante ng USM partikular ang mga devcom students. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento