(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2014) ---Abot
sa 16 na kaso ng dengue ang namonitor ng Rural Health Unit ng Kabacan mula sa
iba’t-ibang mga ospital ng bayan nitong buwan ng Mayo.
Ayon kay Disease Surveillance Coordinator
Honey Joy Cabellon tumaas ng tatlong beses ang nasabing bilang kung ihahambang
sa buwan ng Abril na nakapagtala lamang ng limang kaso.
Aniya karamihan sa mga nagkakasakit ng
dengue ay mga kalalakihan na edad 21 hanggang 30-anyos.
Sinabi ni Cabellon na karamihan sa mga
nagkakasakit ng dengue ay walang mga warning signs o sintomas dahilan para
maigtingin pa ng Sanitary nspector ng RHU Kabacan ang kanilang info drive
hinggil sa sakit na dengue.
Batay sa nasabing data, Poblacion pa rin ng
Kabacan ang may pinakamaraming kaso ng nagkakasakit ng dengue.
Dahil dito, inatasan na rin ni Municipal
Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr. ang kanyang mga tauhan na paigtingin pa ang
Information and Education campaign lalo na sa mga lugar na malubhang apektado
nito, magsagawa ng regular na clean up drives sa mga barangay at ipatupad ang
4S campaign ng DOH.
Bukod sa nasabing sakit, isa rin ang naiulat
na nakagat ng ahas mula sa Brgy. Katidtuan, Kabacan makaraang magpagamot ito sa
RHU Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento