Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinakakaabangang Talent at Grand Pageant Night pinaghahandaan na ng mga kandidata ng Mutya ng North Cot 2014

Written by: Jimmy St. Cruz

(Kidapawan City/ July 10, 2014) --– Lubos na pinaghahandaan ngayon ng mga naggagandahang kandidata ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2014 ang kanilang pagsabak sa Talent Night at sa pinakapana-panabik na Grand Pageant Night ng search.

Ang Talent Night ay gagawin sa Aug. 1, 2014 sa Magpet Municipal Gymnasium at ang Grand Pageant Night naman ay gagawin sa Aug 25, 2014 sa Provincial Capitol Gym, Amas, Kidapawan City.

Ayon kay Ralph Ryan Rafael, Focal Person ng Tourism and Media Affairs ng Provincial Governor’s Office, abala ang mga kandidata ngayon sa paghahanda nga kanilang mga talentong ipakikita at ang buong sarili para sa Grand Pageant Night.

Pinagbubuti rin nilang maigi ang paghahanda ng mga kasuotan tulad ng evening gown, sportswear, casual at indigenous costumes.

Sinabi ni Rafael na isang natatanging patimpalak ang matutunghayan ng mga Cotabateños dahil ngayon ay ika-isang daang taon ng Cotabato province.

Kaya naman ang tatanghaling Mutya ng Cotabato 2014 ay tatawaging “Centennial Queen” at siya ring magiging Ambassadress of Peace ng lalawigan.

Ipinagmalaki rin  ni Rafael ang pagiging matalino, maganda at kaakit-akit ng 15 mga kandidata at nangakong ibibigay ng mga ito ang lahat ng makakaya sa search.

Noong Sabado, July 6, 2014 ay sumailalim sa Personality Training ang mga kandidata sa Provincial Capitol rooftop kung saan ang kanilang naging speaker-lecturer ay si Joy Sison na isa ring beauty titlist mula sa Cotabato province.

Matapos naman ang kanilang training  ay sumabak sila sa interview ng Aksiyon Serbisyong Totoo (AST)  teleradyo program ng Provincial Government of Cotabato kung saan ipinakita ng mga ito ang husay sa pagsagot sa mga katanungan. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento