Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

20-anyos na Holdaper, timbog ng mga otoridad sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Kalaboso ngayon ang isang holdaper makaraang maaresto ng mga otoridad sa bigong pang-hohold-up nito sa isang Fish Cargo Truck sa hangganan ng National Highway ng Datu Paglas, Maguindanao at Tulunan, North Cotabato alas 11:45 ng gabi nitong Sabado.

Sa report ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na kinilala ang suspek na si Ivan Madidis, 20-anyos at residente ng Brgy. Madidis, Datu Paglas, Maguindanao.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulisya na habang tinatahak ng nasabing Cargo Truck ang kahabaan ng National Highway at pagdating sa isang lubak na daan ay pinara sila ng suspek.

Agad namang minaneho ng suspek ang nasabing sasakyan at nag-deklara ng hold-up kaya tinangay ng suspek ang 2 unit na cellphones at cash na P100.00.

Pero ng matunugan ng drayber at pahinante ng sasakyan na walang armas ang suspek kanilang nasakote ito at agad na naireport sa pulisya dahilan para maaresto ang suspek.

Kinilala ng mga Tulunan PNP ang drayber ng sasakyan na si Joseph Moreno, 26-anyos ng Saranggani kasama ang mga kasamahan nito na sina Michael Samontiza at Crismar Moreno kapwa residente rin ng nasabing lugar.


Galing pa umano ng General Santos city ang nasabing sasakyan papunta ng Cagayan de Oro ng mangyari ang insidente. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento