Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Community Development Information Council o CIDC, itinatag sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ July 11, 2014) ---Pinangunahan ng Philippine Information Agency o PIA ang pagtatatag ng Community Development Information Council o CIDC sa bayan ng Makilala, kamakalwa.

Ayon kay PIA 12 Regional Director Olivia Sudaria, layunin ng CIDC na makuha ang suporta ng publiko sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon na may kinalaman sa kaunlaran ng kanilang lugar.

Napag-alaman na ang CDIC ay isang multi-sectoral group na kinabibilangan ng mga kababaihan, urban poor, religious sector, business sector, persons with disability at mga pinuno ng mga magsasaka.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Sudaria ang mga residente na magpadala ng sulat sa CDIC Center upang mas maging aktibo at mahasa ang kanilang decision-making skills.


Nahirang naman bilang chairman sa nasabing CDIC si Makilala Mayor Rudy Caoagdan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento