Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamunuan ng RHU, ipapatawag sa Lunes sa gagawing Committee of the Whole meeting ng SB hinggil sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Irah

(Kabacan, North Cotabato/ July 11, 2014)---Ipapatawag sa Committee of the Whole Meeting sa July 14 araw ng Lunes ang pamunuan ng Rural Health Unit ng Kabacan para maimbestigahan ang nangyari sa pagpapa-anak kay DXVL Newscaster and DXVL Broadcast Traffic Officer Irah Palencia Gelacio.

Ito ang napagkasunduan ng kasapi ng Sangguniang Bayan sa regular na session ng SB kahapon.

Sinabi ni Councilor Jonathan Tabara at the same time presiding Officer na dalawang committee ang hahawak para mag-imbestiga sa nangyari ito ang Committee on Good Governance at Committee on Health na hawak naman ni Kagawad Ayesha Quilban.

Kabilang sa mga ipapatawag ay sina Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr., ang attending Midwife at Nurse, Human Resource Management Head ng LGU Kabacan.

Matapos na maisalang sa Committee of the Whole meeting posibleng sa susunod na session ay isasalang na ang dalawang panig para mabigyan ng patas na imbestgasyon ang pagkamatay ni Irah Palencia Gelacio. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento