(Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2014) ---Isang
linggo bago ang gagawing Takbo para sa Batang Kabakenyo at Dugo ko alay sa
Kakoolitan Ko Blood Letting activity ng DXVL Radyo ng Bayan ay inaabangan na ito ng mga suking tagapakinig.
Nabatid na ubos na rin sa ngayon ang unang
batch ng mga kumuha ng limited design na t-shirt para sa takbo para sa batang
kabakenyo, a fun run for a cause kungsaan ang proceed nito ay mapupunta sa
pilang mga estudyante sa ilang mga paaralan sa Kabacan na mabibigyan ng mga
school supplies.
Gagawin ang takbo para sa batang kabakenyo
sa July 17, isang araw bago ang anibersaryo ng DXVL FM.
Samantala, gagawin naman sa July 16 ang
Blood letting activity ng DXVL na pinamagatang dugo ko alay sa Kakoolitan ko
kungsaan pangungunahan ito ng National Red Cross.
Ngayon pa lamang ay pinasalamatan nan g DXVL
FM ang mga major at minors sponsor nito na nagtataguyod ng programa.
Ang Provincial government ng North Cotabato
sa pamumuno ni Cot. Gov. Emmylo Lala talino Mendoza, LGU Kabacan sa pangunguna
ni hon. Mayor Herlo Guzman Jr., councilor Herlo Guzman Sr. Chairman ng
Committee on Transportation, Councilor Reyman Saldivar, cotabato electric
Cooperative o Cotelco, Kabacan Water District at Gelyn’s glass and aluminium
Supply at Gelyn’s Tarpaulin and Printing Services.
Ang aktibidad na ito ay handog pasasalamat
ng DXVL radyo ng Bayan sa lahat ng mga tagapakinig nito na patuloy na
tumatangkilik sa mga programa ng himpilan.
Sa ngayon ang DXVL ay patuloy na
pinaniniwalaan, pinakikinggan dahil sa nagpapamalas ng kahusayan, naka-tatak na
sa puso ng mamamayan, naglilingkod sa pagbabalita, nagbibigay ng tama at
napapanahong impormasyon, numero uno sa serbisyo publiko at undisputed sa
musika…
Tema ng taunang selebrasyon ng himpilan ay
“8 Years of Public Service and Quality Entertainment”. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento