(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2014)
---Nagsagawa ng unang batch ng trainers’ training na may kaugnayan sa
Methodologies and adaptation ang Agricultural Training Institute (ATI) sa
Rehiyon XII sa pakikipagtulungan ng University of Southern Mindanao-extension
Services Center sa ATI-Kabacan Training Center kamakailan.
Layunin ng training na mas lalong mapabuti
pa ang extension delivery service para sa agricultural modernization.
Kabilang sa mga tinalakay na mga paksa sa
nasabing training ay ang mga sumusunod: “New extensionist”, extension principle
methods, the community-based extension delivery system, facilitation skills,
facilitating the community-based extension process, community organizing, the
training process, formulating a training design, organizing communities for
land and natural resource management with Praticum, at visual aid presentation.
Dalawamput-dalawang (22) agricultural
extension workers na nanggagaling sa North Cotabato ang kasali sa training.
Sina Dr. Luz A. Taposok, Dr. Rosa fe D. Hondrade at Dr. Leonora P. Manero ng
USM ang siyang naging resource persons sa nasabing training. Rhoderick Beñez
with reports from Ruvey Mae Pagaran
0 comments:
Mag-post ng isang Komento