Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nakitang malaking ahas, kinatatakutan nan g mga residente sa Maguindanao

(Ampatuan, Maguindanao/ July 9, 2014) ---Patuloy na pinaghahanap na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (DENR-ARMM) ang diumano higanteng ahas na nakita ng mga residente sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao.

Nagpadala na ng mga tauhan ang ahensiya sa naturang barangay upang hanapin ang ahas na may habang 50 talampakan at sinlaki diumano ng puno ng niyog ang katawan.

Ayon sa isa sa mga nakakita na si Inday Conilas na lubos niyang ikinagulat matapos na makita ang naturang ahas habang tumatawid sa sapa sa Sitio Sinawang bago nagtago sa isang puno ng balete.
Ito umano ay may pinaghalong kulay na berde, itim at dilaw.

Napag-alaman na hindi lamang si Inday ang nakakita ng naturang ahas ngunit maraming iba pang mga magsasaka sa naturang lugar.

Inihayag ng mga opisyal ng barangay na iniimbestigahan na nila kasama ang DENR ang lahat na mga pahayag ni Conilas at inaalam kung anong uri ito ng ahas. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento