(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012)
---Huli ng mga otoridad ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa paglabag nito sa
RA 9287 o mas kilala sa tawag na illegal gambling.
Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng
Kabacan PNP ang suspek na si Jeryl Mae Gutong Calungsod, binata, last two
attendant at residente ng Calawag, Pikit, Cotabato.
Nanguna sa pag-aresto sa nasabing saturation
drive kontra sa iba’t-ibang illegal gambling sa bayan ng Kabacan kahapon sina
P/Insp. Tirso Pascual, Police Regional Office 12 na pinamumunuan ni SPO1 Jeson
Tahum.
Nakuha mula sa posisyon at sa kustodiya ni
Calungsod ang cash money na nagkakahalaga ng P2,069.00 at iba’t-ibang mga
illegal paraphernalia’s.
Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang
suspek habang inihahanda ang kasong isasampa kontra sa kanya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento