Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1st Badminton Tournament para sa may mga sakit na Cancer sa Kabacan, isasagawa


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Nagharap sa Sangguniang bayan kahapon ang isang 15 years na cancer survivor na nakilalang si Elizabeth Navarro para humiling ng tulong pinansiyal sa gagawin nilang 1st Badminton Open tournament, play for a cause bilang tulong sa mga may sakit na cancer sa bayan ng Kabacan.

Suportado naman ni Vice Mayor Policronio Dulay kasama ang mga konsehal ng bayan ang nasabing adbokasiya ng nasabing laro.

Bukod sa pagbibigay tulong sa may mga sakit na cancer, bahagi na rin ng adbokasiya ang cancer awareness, sportsmanship, camaraderie sa mga badminton players at enthusiast.

Ang 1st Elizabeth Navarro Open Badminton Tournament ay isasagawa sa December 15-16, 2012 sa Kabacan Municipal gymnasium ditto sa bayan ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento