Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

20th CBDEM Day, ipagdiriwang ngayong araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Handa na ang mga estudyante, faculty and staff ng College of Business Development and Economic Mangement para sa gagawing 20th CBDEM Day ngayong araw.

Pangungunahan ni CBDEM Dean Dr. Gloria Gabronino ang nasabing programa kungsaan ganap na alas 7:00 ng umaga bukas ay gagawin ang kanilang parade habang alas 9:00 naman magsisimula ang programa.

Magiging panauhing tagapagsalita naman sa nasabing okasyon si Don Bosco General Operations Manager Gilda Ginogaling-Abian kungsaan bibigyang diin nito ang temang “CBDEM sa Bagong Henerasyon: Patuloy sa Pagsulong tungo sa Kahusayan at Kaunlaran”.

Samantala may mga nakahanda namang Palarong Pinoy at Variety Show sa hapon bukod pa sa gagawing socialization ng mga estudyante ng CBDEM sa gabi.

Kabilang sa mga patimpalak na kanilang inihanda ang Singing Duet, Concert Mo to!, Dance Showdown, Caroling contest, gaya-gaya at iba pa.

Ang CBDEM ng University of Southern Mindanao ay isa sa mga Unit ng pamantasan na nagbibigay ng kalidad na edukasyon hinggil sa mga kursong: BS Accountancy, BS Agricultural Business, BS Agricultural Economics, BS Business Administration at BS Development Management. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento