Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Patay sindi na kuryente dahilan ng pagkakasunog ng isang bahay sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ September 4, 2013) ---Nilamon ng nag-aalab na apoy ang tahanan ng isang van driver sa Talisay Street, Brgy Poblacion 1, sa bayan ng Midsayap, North Cotabato dakong alas 3:20 kahapon ng hapon.

Ang nasabing bahay ay pag-mamay-ari ng isang Jun Yabot na residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa salaysay ng biktima na bago nangyari ang sunog ay nasa loob sya ng kanyang bahay at lumabas dahil sa sobrang init makaraang tumama ang mahabang brownout sa lugar.

Ilang sandali ang nakalipas ay biglang lumiyab ang bahay nito at tinutupok ng malaking apoy ang kanilang tahanan.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy at ang De Rose of Manila wanter tanker para apulahin ang apoy.

Tuluyang na “Fire out” ito makalipas ang mahigit kalahating oras.

Maserte namang din a kumalat pa sa ibang bahay ang nasabing sunog.

Ang On and Off sa suplay ng kuryente ang tinitingnan ng pamilyang Yabot sa pagkasunog ng kanilang tahanan.

Sa kasalukuyan ay nakakaranas ng siyam na oras na brownout araw-araw ang lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao dahil sa pagbaba ng suplay ng kuryente mula sa Mindanao Grid o nararanasang krisis sa enerhiya.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Midsayap para alamin kung magkano ang danyos at dahilan ng sunog. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento