Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Selebrasyon ng Kalivungan Festival, naging mapayapa sa kabuuan

(Amas, Kidapawan city/ September 2, 2013) ---Naging maayos at mapayapa sa kabuuan ang selebrasyon ng 99th founding anniversary ng probinsiya na pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza.

Sa Mismong “araw ng Cotabato” o culmination day kahapon naging panauhing tagapagsalita sa nasabing programa si Senator JV Ejercito kungsaan binigyang diin nito na ang pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Cotabato ang siya’ng susi para sa mas matatag na Cotabato.

Sa isang press conference na isinagawa sa Provincial Capitol, tinukoy ng senador ang ilang mga rekomendasyon at panmatagalang solusyon sa kinakaharap ng probinsiya at maging ng rehiyon ng Mindanao ang kakulangan sa Supply ng kuryente.

Maliban sa nabanggit, iginiit nito na hindi rin dapat aasa ang gobyerno sa OFW para lalakas ang ekonomiya bagkus ay pagtuunan ng pansin ang employment ng bansa para di na mangingibang bansa ang ilang mga kababayan natin dahil sa kawalan ng trabahao sa bansa.

Pinasalamatan din ni Gov. Mendoza ang senador sa pagpapaunlak nito na maging guest of honor and speaker sa nasabing kalivungan 2013 at 99th founding Anniversary.

Kaugnay nito, maaga pa kahapon ay dinagsa na ng libu-libo katao ang katatapos na selebrasyon ng Kalivungan Festival kahapon.

Hindi mahulungang karayon ang mga manonood ng Street dancing competition at dir in inalintana ang init ng panahon para lang saksihan ang makulay na costume ng mga pananayaw at ang kanilang sayaw sabay sa magagandang tugtog.

Bago ang nasabing culmination program ay pinangunahan naman ni Gov. Lala Unveiling ng Centennial billboard kasabay na rin ng groundbreaking at capsule laying ng Centennial Pavilion at Museum groundbreaking.

Dinagsa rin ng mga tao ang kumbira sa kapitolyo kungsaan sa P10 piso mo ay may kanin at ulam kana maliban pa sa mineral water.

Ang proceeds ng kumbira sa kapitolyo ay mapupunta sa isang simbahan na recipient ng nasabing aktibidad.

Todo higpit rin ang seguridad sa paligid ng kapitolyo sa tulong naman ng pulisiya at military para tiyaking ligtas ang mga dumalo sa nasbaing aktibidad kahapon. (Rhoderick Beñez)








0 comments:

Mag-post ng isang Komento