Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpapalakas sa turismo ng Alamada, NCot; pinagtutuunan ni Rep. Sacdalan

(Alamada, North Cotabato/ September 5, 2013) ---Binabalangkas na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 ang eco- tourism management plan para sa Alamada Biotic and Protected Area.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng kahilingan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan para maponduhan ang nasabing proyekto.


Mismong ang kongresista ang nagsagawa ng site visit sa Asik-Asik Spring Falls na dinaluhan ng kinatawan ng ibat’ ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Rep. Sacdalan, mas mainam kung madadala nito agad ang plano upang maihabol sa budgeting ng gobyern para sa susunod na taon, ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Rivera Bautista.

Kaugnay nito, target naman ng DENR 12 na matapos ang nasabing eco- tourism plan bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Samantala, iindorso din umano ng mga ahensyang kasapi ng Regional Eco-tourism Committee ang mga proyekto at programa na maaring maisali sa gagawing plano ng DENR 12.

Suportado naman ng REC 12 ang mungkahi ni Rep. Sacdalan na gawing tourism road ang kalsada patungo sa Asik- Asik Falls.

Binigyang-diin ni Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Dillera na mataas ang posibilidad na magtatagumpay umano ang pagsusulong ng eco- tourism sa bahaging ito ng rehiyon dahil sa convergence ng iba’t- ibang ahensya ng pamahalaan. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento