(Kabacan, North Cotabato/ September 6, 2013) ---Malaking tulong para sa
ikauunlad ng Banana Industry ang planung pagpapalawak sa nasabing plantasyon.
Ayon kay Region 12
Banana Industry council President Ecclesiastes Roque na ang naturang hakbang ay malaking tulong para
sa mga magsasaka na madagdagan ang kita ng mga ito.
Kaugnay nito, ikinatuwa naman ng maraming
banana planters ang paglaan ng Department of Agriculture - 12 ng 12 milyong piso
upang mapaunlad ang industriya ng saging sa Region 12.
Aminado naman si DA-12 Regional Director
Amalia Datukan na ang pagpapalago ng industriya ng saging ay tutulong upang
palakasin ang ekonomiya ng Central Mindanao.
Naniniwala ang mga banna planters na
malaking tulong ang pondo upang mapabuti ang pagtatanim at pagbebenta nila ng
saging.
Batay sa tala ng Bureau of Agricultural
Statistics ng Region 12, abot sa 30 libongektarya ng lupain sa ating rehiyon
ang may tanim na saging.
Tinatayang abot naman sa 1.1 million metric
tons ang naproduce na saging ng region 12 noong 2012.
Sa ngayon, ang rehiyon ang pinakamalaking
producer ng saging na lakatan sa buong Mindanao.
Pangatlo rin ang Region 12 sa pinakamalaking
producer ng Cavendish banana sa buong Pilipinas. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento