(Makilala, North Cotabato/ September 6,
2013) ---Inamin ng isang kasapi ng New People's Army, National Democratic Front
Far South Mindanao na problema sa pasahod ang isa sa mga dahilan ng pagsunog ng
ilang myembro ng NPA sa isang rubber processing plant sa Makilala, North
Cotabato, kamakalawa ng gabi.
Mismong si New People's Army, National
Democratic Front Far South Mindanao Ka Efren ang nagbunyag ng nasabing report.
Anila, ilang beses na nilang pinadalhan ng
sulat ang management ng rubber plantation subalit tumanggi ang mga itong
tugunan ang problema.
Dagdag pa ni Ka Efren,masusi nilang
pinagplanuhan ang panununog bago ito isinagawa.
Samantala sa ibangmag balita, sugatan ang
dalawang motorista matapos na aksidenteng magkabanggan sa Barangay Sudapin
Kidapawan City alas tres ng hapon kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na sina Ariel
Rangas at Jordan Dorianes na pawang driver ng motorsiklo.
Ayon sa report, minamaneho ni Jordan
Dorianes ang kanyang motorsiklo at hindi nito namalayan ang paparating na
motorsiklong minamaneho naman ni Ariel Rangas nang magtangka itong lumiko sa
kaliwang bahagi ng kalsada.
Sa lakas ng pagkakabangga kapwa nagtamo ng
sugat sina Rangas at Dorianes na kaagad namang isinugod sa pinakamalapit sa
ospital. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento