Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Plantation manager utas sa NPA attack

(Makilala, North Cotabato/ September 3, 2013) ---Nagbuwis ng buhay ang 46-anyos na plant manager habang nasugatan naman ang isa pang kasama nito sa marahas na pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army na nagpasabog pa ng landmine sa rubber plantation sa Barangay Taluntalunan, bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ma. Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang napatay na si Hector Lalaguna na mapuruhan sa pagsabog ng landmine habang malubhang nasu­gatan ang isa pang kawani na si Francisco Manliquez Undag Jr., 47.Sa ulat ni Lt. Nasrullah Sema ng Army’s 57th Infantry Battalion civil-military operations office, bandang alas-10 ng gabi nang sa­lakayin ng grupo ni Felix “Ka Jing” Armodia ang Standard Rubber Development Corporation (STANDICO) na pag-aari ng negosyanteng si Butch Pacheco.

Gayon pa man, naba­litaan ni Lalaguna na sina­lakay ng NPA ang kanilang plantasyon kaya kaagad na rumensponde kasama si Manliquez sa pagbabakasakaling mapakiusapan ang mga rebelde na huwag isabotahe ang kanilang mga kagamitan pero na­sabugan ng landmine.

Maging ang proces­sing plant sa plantasyon na aabot sa tatlong ektarya ay sinunog din kasama ang mga bagong gawang goma at ilang kabahayan.

Aabot sa P10 milyong ha­laga ng ari-arian ang napinsala sa naganap na pananabotahe. (Rhoderick Beñez)








0 comments:

Mag-post ng isang Komento