(USM, Kabacan, Cotabato/
September 2, 2013) ---Magandang balita naman, sa mga mag-aaral na walang
kakayahang matustusan ang kanilang pag-aaral, dahil magbibigay ng scholarship
program ang International of Rice research Institute o IRRI at Landbank of the
Philippines ng Gawad Patnubay Scholarship program, isang programang gawad
Pag-aaral tungo sa Maunlad na Bayan.
Ito ay bukas sa mga kursong
Bachelor of Science in Agriculture o agriculture related courses.
Ang nasabing scholarship ay
pupwede sa mga second year at 3rd year college students.
Isang daang porsientong libre
ang tuition fee, mabibigyan pa ng monthly stipend at dagdag na book allowance.
Ang mga graduates ay na
sumailalim sa nasabing scholarship ay mabibigyan agad ng prayoridad na trabaho
sa nasabing bangko.
Deadline of filing of
application ay sa Setyembre a-20, 2013 na lamang po.
Para sa karagdagang impormasyon
maaring sumangguni sa College of Agriculture dito sa University of Southern
Mindanao at hanapin lamang si CA Dean Dr. Adeflor Garcia. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento