(Kabacan, North Cotabato/
September 4, 2013) ---Mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang nanguna sa
isinagawang outreach program ng LGU Kabacan na isinagawa kahapon sa Barangay
Bangilan.
Ang nasabing programa ay bahagi
ng Unlad Kabacan: Handog Pangmamamayan mula sa Gobyerno o HPG mula sa initial
na Pangalan ni Mayor Herlo P. Guzman Jr.
Batay sa impormasyong
ipinarating sa DXVL Radyo ng Bayan ni secretary to the Mayor Yvonne Saliling
ang nasabing programa ay magtuloy-tuloy sa iba’t-ibang barangay ng Kabacan
upang tiyak na makakarating ang serbisyo ng pamahalaan sa mga malalayong
komunidad ng bayan.
Kasama ng alkalde ang mga hepe
ng bawat tanggapan ng LGU Kabacan, Kabacan PNP sa pamumuno ni PCInsp. Jordine
Maribojo at ilang mga kawani ng LGU.
Tinungo ng grupo ang bangay
Bangilan kungsaan nagsagawa ng programa ang mga ito kasabay ng pamimigay ng mga
relief goods sa mga biktima ng pagbaha, nagsagawa din ang mga ito ng medical at
dental, pagmarka sa mga alagang hayop na baka at kalabaw, tax collection,
parlor games at kabilang din sa planu ng alkalde ay ang pagsasaayos ng mga
kalsada sa lugar.
Dumating na rin kahapon ang mga
heavy equipment ng LGU sa Bangilan para sa road rehabilitation bukod pa sa
ipapadala ng provincial government.
Matapos ang barangay Bangilan ay
ipapaayos din ng LGU ang ilangmga kalsada sa iba pang mga barangay.
Todo pasasalamat naman ang
ipinaabot ng mga residente sa lugar. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento