(Kidapawan City/ September 3, 2013) ---Abot sa mahigit sa P8 Milyong piso
ang di nabayarang utang ng city government ng Kidapawan sa kanilang kuryente sa
Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.
Ito ang napag-alaman mula kay Councilor Lauro Taynan, ang may hawak ng
Committee on Energy sa Sangguniang Panglungsod sa isinagawang Kapihan
Kamakailan sa AJ Hi-Time, Kidapawan city.
Maging si Taynan ay nagulat ng malaman nitong lumubo sa higit sa P8M piso
ang di nabayaran ng city government sa cotelco, dahilan kung bakit nito
paiimbestigahan sa SP, gayung mula 2010-2013 ay ilang resolusyon na rin ang
kanyang naipasa hinggil sa supplemental budget para sa pambayad ng kanilang
electric bills.
Kaugnay nito, humiling na ngayon ng kopya ng mga dokumento ang opisyal sa
Accounting Office at budget hinggil sa bayarin ng city government sa kanilang
electric bills mula taong 2010.
Sa ipinadalang sulat ni Cotelco General Manager
Engineer Godofredo Homez, umaabot diumano sa P8,043,605 ang bayarin ng city
government.
Sinabi ni Homez na mapipilitan silang putulan ng kuryente ang city government sa Setyembre 16 sa sandaling hindi sila makapagbayad.
Nabatid pa na ang nasabing bayarin ay minana lamang ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa dating alkalde na si Rodolfo Gantuangco na siyang bise alkalde ng lungsod sa ngayon
Kumikilos na diumano si Mayor Evangelista upang maresolba ang naturang problema. (Rhoderick Beñez)

0 comments:
Mag-post ng isang Komento