(Kabacan, North Cotabato/ September
2, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng isang pinaniniwalaang notoryus na tulak
droga makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP sa may bahagi ng Mapanao
Extension, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:32 ng gabi nitong Sabado.
Kinilala ni PCinps. Jordine
Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jobert Alqueza Cañas alias Apin,
36, residente ng poblacion ng bayang ito kungsaan mga video K Bars ang ginagawa
nitong hide out sa kanyang kalakalan ng illegal na droga at ginagawa ring pot
session den.
Nakuha mula sa suspek ang marked
money at ang isang plastic heat sealed sachet.
Sa ngayon inihahanda na ng mga
otoridad ang kasong isasampa laban sa suspek hinggil sa paglabag nito sa RA
9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.
Kaugnay nito sinabi ni chief
Maribojo na nagpapatuloy ang kanilang kampanya kontra illegal na gawain sa
kabacan tulad ng pagtutulak ng illegal na droga, illegal na sugal at
pagmamanman sa mga kriminal. (Rhoderick Beñez/ DXVL Radyo ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento