(Kabacan, North Cotabato/ September 4, 2013)
---Marami na ang umaangal ngayon sa mahabang rotating brownouts sa service area
na sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco.
Maging ang mga negosyante dito sa bayan ng
Kabacan ay nagrereklamo na rin sa anim na oras na load curtailment na
ipinapatupad ng kooperatiba batay naman sa power supply na ibinibigay ng
National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Karamihan na rin sa mga negosyante sa
Kabacan ay gumagamit na ng generator sets para maipagpatuloy ang negosyo.
Pero sa mga small time business malaking
kalugian sa negosyo araw-araw ang nasabing haba ng brownout.
Bukod sa mahabang pagkawala ng kuryente,
nirereklamo pa nila ang fluctuation ng kuryente bukod pa sa walang schedule
kung anung oras at saang feeder magpapatupad ng load curtailment ang cotelco.
Reklamo ng ilan, na ang biglaang pag off at
pagbalik ng kuryente ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga gamit kagaya ng
appliances at iba pa.
Pero sa usapin ng power deficiency sa
bahaging ito ng Mindanao, labas na ito sa kamay ng cotelco, ito dahil sa
nag-shutdown para sa preventive maintenance ang Agus Hydro Plant at ang Steag
na nag-gegenerate ng malaking power supply sa Mindanao.
Dahil dito, aminado ang pamunuan ng cotelco
na maraming negosyo ang apektado sa krisis sa enerhiya kasama na rin ang
araw-araw na transaction sa mga pribado at pampublikong tanggapan na
nangangailangan ng kuryente.
Napilitan na rin ang ilang mga negosyante na
gumamit ng generator sets para maipagpatuloy ang negosyo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento