(Amas, Kidapawan City/ September 2, 2013)
---Iniuwi ng tribong Mascuvado buhat sa bayan ng Matalam, North Cotabato ang
kampeonato ngayong taon sa katatapos na Street Dancing competition ng
Kalivungan Festival 2013 at 99th founding Anniversary ng North
Cotabato.
Nakuha naman ng grupong Panaghoy sa Pulangi
mula sa bayan ng Carmen ang 1st place habang nasungkit naman ng
grupong Kabakeños mula dito sa bayan ng Kabacan ang ikalawang pwesto sa
nasabing street dancing showdown competition na isa sa mga highlight ng
aktibidad.
Matatandaan na anim na grupo ang
nagpakitang gilas sa kanilang pagsayaw at pag-indak bilang pagpapakita ng
kultura ng kanilang bayan.
Ang mga kalahok ay nagmula sa
mga bayan ng Makilala, Kidapawan, Matalam, Kabacan, Carmen at Pigcawayan.
Tatanggap naman ng 150 thousand pesos ang first prize winner, 100 thousand para sa second prize at 75 thousand pesos para sa 3rd prize winner.
Ang mananalo ay magiging kinatawan ng lalawigan sa Aliwan Festival sa Maynila ngayong taon.
Tema ng Kalivungan Festival 2013 ngayong taon ay “Cotabato @99: Nagkakaisang Lakas Tungo sa Matatag na Bukas. (Rhoderick Beñez)

0 comments:
Mag-post ng isang Komento