(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2013)
---Hinikayat ngayon ng pamahalaang Lokal ng Kabacan ang mga negosyanteng hindi
pa nakakuha ng kanilang business permit na kumuha na ang mga ito para mabigyan
ng business certificate.
Sa report ni Business Permit Licensing
Officer Cecilia Facurib abot na sa 666 ang nag-parenew ng kanilang permit
habang nakapagtala naman ng 85 na bagong register ang kanilang tanggapan mula
unang quarter ng taon hanggang sa kasalukuyan.
Nakadepende naman umano ang babayaran nilang
buwis sa kita ng kanilang establisiemento o negosyo.
Bago mabibigyan ng bagong business plate at
sticker ang mga ito, dapat munang magbayad ng Mayor’s Business permit fee, Tax Clearance
Fee, Sanitary Inspection fee, Business Inspection fee, Solid Waste Management
fee at Police clearance kasama na ang sa Fire safety.
Ang nasabing hakbang ay isinusulong ni
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ito para na rin makalikom ng karagdagang buwis
ang pamahalaang lokal at maibabalik ang mga ito sa pamamagitan ng serbisyo sa
mamamayan ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento