(Makilala, North Cotabato/ September 5, 2013) ---Patay ang isang kasapi
ng sundalo ng magka-engkwentro ang tropa nila sa mga rebeldeng New People’s
Army o NPA sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cabilao sa bayan ng Makilala, North Cotabato, kamakalawa
ng tanghali.
Kinilala ni 57th Infantry
Battalion Civil military operations chief 1st Lt. Nasrullah Sema
ang nasawing sundalo na si Sgt. Arnold Vigo ng Bravo Company mula sa 57th IB.
Nagsasagawa ng patrol
operation ang mga sundalo matapos na sinunog ng mga rebeldeng grupo ang rubber
processing plant ng Standard Rubber Development Corporation (Standeco) sa
kalapit na Barangay Talun-talunan sa nasabing bayan ng makasagupa ang pangkat
ng NPA na nagkapalitan ng putok sa magkabilang panig na umabot ng halos isang
oras.
Malubhang nasugatan si
Vigo sa nasabing engkwentro pero binawian naman ng buhay ilang oras habang
ginagamot sa isnag bahay pagamutan sa Kidapawan City.
Nabatid na nagtanim pa
ng landmine ang mga rebeldeng grupo sa gilid ng daan papuntang barangay Cabilao
ang sumabog para mapigilan ang paghahabol ng mga sundalo sa nakalabang rebelde.
Malaki ang paniniwala ni
Sema na ang naengkwentro ng kanyang mga tauhan ay kaparehong grupo na sumunog
sa nasabing planta na nag-iwan ng pinsala na abot sa P30M.
Nabatid sa inisyal na
pagsisiyasat na ang mga rebeldeng grupo ay kabilang sa mga NPA Guerrilla Front 72
na may pangunahing operasyon sa mga hangganan o tri-boundary ng mga lalawigan
ng North Cotabato, Sultan Kudarat at
Davao del Sur na nasa south Central Mindanao. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento