Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malaking Mall sa North Cotabato, nalilibre sa Brownout

(Kidapawan City/ September 5, 2013) ---Nasira ang re-closer ng isang device o gadget para sa switch ng Feeder 22 ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco kung kaya’t nalilibre sa brownout ang bahagi ng linya kasama na dito ang Gaisano Grand Mall, ang pinakamalaking mall sa North Cotabato.

Ayon sa report, simula pa noong nakaraang linggo ay dumaranas na ang coverage area ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ng brownout nang mula apat hanggang anim na oras kada araw.

      
Sa kabila nito, libre sa brownout ang Gaisano Grand Mall at ang ilang bahagi ng Barangay Lanao hanggang Paco na sakop ng 10MVA sub-station ng Cotelco sa may Barangay Paco sa Kidapawan City.
      
Pero may paliwanag rito ang Cotelco.
      
Ayon kay Cotelco spokesman Vicente Baguio, sira ang re-closer na isang device o gadget para sa switch ng Feeder 22.
      
Noon pa raw July sira na ang naturang device.
      
At hanggang sa ngayon, di pa raw dumarating ang in-order nila’ng gadget.
      
Kaya’t, ayon kay Baguio, walang ‘special’ o ‘privilege’ treatment na ibinibigay sila sa Gaisano Grand Mall.
      
Kung nalibre man ang mall sa brownout ito ay dahil sa hindi inaasahang pagkasira ng feeder switch sa 10MVA Paco sub-station. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento