(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Limang
mga indibidual ang naisugod dito sa Kabacan Polymedic Hospital matapos na makaramdam
ng pananakit ng tiyan at pagtatae matapos tamaan ng pinaniniwalaang LBM kahapon
ng hapon.
Ang mga ito ay mga residente ng Purok
Mesalay, brgy. Pisan dito sa bayan ng Kabacan.
Sa eksklusibong panayam
ngayong umaga ng DXVL News sa isang kasapi ng Karancho Kabacan chapter na si Dadtong Inedal
miyembro po ng Medical Troops ng MILF karamihan sa mga biktima ng nasabing
sakit ay mgabata kabilang na dito ang 5 at anim na buwang sanggol na hindi pa
kinilala sa report.
Samantala ang mga isinugod naman sa
Ploymedic hospital ay sina Maludtem Palulod, 23 anyos, Daniel Palolod 2 taong
gulang, Eboy Lalapadsin, 2 taong gulang na ngayon ay patuloy na nilalapatan ng
lunas.
Ayon daw po sa lolo nitong mga biktima Walanaman
dawpong nakain itong mga biktima posibleng lamang na maruming tubig na mula sa puso
ang nakikitang sanhi nitong diarrhea at pagsusuka ng mga biktima, ayon kay
Inedal.
May isa na unang inireport si Balansagan
Sandigan, 17 na isinugod sa USM hospital na ngayon ay nasa maayos ng kalagayan.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento