written by: Jimmy Sta. Cruz
AMAS,
Kidapawan City (June
6) – Tuloy-tuloy ang paghahanap ng mga entries para sa dalawang naglalakihang
search kaugnay ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng lalawigan ng Cotabato.
Ayon kay Joselito Pareñas ng Sangguniang
Panlalawigan ng Cotabato at coordinator ng Search for Centennial Edifice at
Heirlooms, mayroon ng 2 entries para sa pinakaluma o pinakamatagal na
istruktura na naitayo sa Cotabato.
Ito ay ang isang bahagi ng municipal hall ng
Magpet at isang paaralan sa Midsayap.
Ayon sa report kapwa naitayo ang naturang
mga istruktura halos 100 taon na ang nakalilipas.
Pero sasailalim pa sa kaukulang verification
ng SP Cotabato ang nabanggit na mga entries.
Sinabi ni Pareñas na medyo mahirap ang
paghanap ng mga entries dahil na rin sa mga marami ng mga bahay o gusali ngayon
na sumailalim na sa repair at rehabilitation.
Sa kabila nito, tuloy naman ang SP Cotabato
sa paghahanap ng mga entries lalo na sa mga liblib na lugar sa lalawigan at
patuloy na hinihimok ang lahat ng Cotabateño na nagmamay-ari ng mga lumang
bahay o gusali na lumahok.’
Hinimok din ni Pareñas ang mga Cotabateño na
may mga minanang mga gamit o bagay na sumali sa search.
P50,000 ang nag-aantay sa mga mapipiling
edifice at heirloom.
Samantala, abot naman sa 15 ang kalahok sa
Search for Centennial Cotabateño o centenarian mula sa iba’t-ibang bahagi ng
dating Cotabato Empire.
Ayon kay Engr. Ronald Montero, Focal
Person-Coordinator ng naturang search, ang 15 na mga centenarian ay nakapagpatala
sa Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO nitong nakalipas na
mga buwan.
Ilan sa mga centenarian ay mula mismo sa
Cotabato province habang ang iba naman ay nanggaling pa sa mga lalawigan ng Sultan
Kudarat, Maguindanao, South Cotabato at patuloy na sumasailalim sa verification
at validation.
Posible pa itong madagdagan dahil naglilibot
pa si Montero sa iba’t-ibang mga lalawigan sa Region 12 upang hikayatin ang mga
centenarian o mga pamilya nito na ipatala ang kanilang mga lolo at lola sa
natatanging patimpalak.
P100,000 ang nag-aantay na premyo para sa
magwawaging centenarian.
Ayon kay Cot. Governor Emmylou “Lala” J.
Taliño- Mendoza, layon ng mga search na ito na bigyan ng kaukulang paggalang
ang mga edifice o mga lumang mga bahay at gusali at mga mana sa lalawigan at
ang mga taong naging bahagi na ng kasaysayan ng Cotabato.
Ang Search for Centennial Edifice at
Heirlooms at Search for Centennial Cotabateño ay dalawa sa mga pangunahing
aktibidad ng centennial celebration ng Cotabato province na itinuturing na
makasaysayan at makabuluhan. (JIMMY STA.
CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento