Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Election ng mga Deans, isasagawa ngayong araw sa USM, klase suspendido!

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Bagama’t suspendido ang klase ngayong araw sa University of Southern Mindanao, iginiit pa rin ni USM Pres. Dr. Francisco Garcia na dapat ay dumalo pa rin ang mga estudyante, partikular na ang mga faculty at staff sa presentasyon ng mga kumakandidato sa pagka-dekano sa iba’t-ibang kolehiyo.

Ito ang naging paliwanag kahapon sa DXVL News ng pangulo matapos na humiling ng suspension of classes si Dr. Rosafe Hondrade ang chairperson ng election committee kay Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang na pagbigyan na mapakinggan ng mga estudyante at mga faculty ang mga balakin na programa at proyekto ng ihahalal na dean ng bawat kolehiyo.

Sinibi ni Dr. Garcia na gagawin ang eleksiyon sa lahat ng kolehiyo ngayong araw mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.


Hinikaya’t din nito maging ang mga contract of service na faculty member na dumalo sa nasabing presentasyon upang kilatisin ng mabuti ang ilalagay na dean sa bawat unit nila. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento