(Tulunan, North Cotabato/ June 4, 2014)
---Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay ang dahilan kung bakit kusang
nagpasalubong kay kamatayan ang isang 46-anyos na preso na nagbigti sa loob ng
kulungan ng Tulunan PNP alas 5:30 kahapon ng hapon.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng
Tulunan PNP ang biktima na si Rodrigo Tabalina Tanallon, 46, may asawa at
residente ng Purok, Brgy. Sibsib, Tulunan, Cotabato.
Nabatid na ang biktima ay ikinulong mismo ng
kanyang Misis dahil sa paglabag sa RA 9262.
Ayon kay PO3 Rodolfo Escarlan III ang desk
Officer ng tulunan PNP na ginamit ng biktima ang lace na ikinabit sa window
grill para magbigti.
Naisugod pa ang biktima sa Fr. Tulio Favali
Hospital pero binawian na rin ng buhay pagdating sa ospital. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento