(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Isang
malaking buwaya ang nakita ng isang traysikel drayber sa hangganan ng Kabacan
river partikular sa Kinudal, Matalam at brgy. Dagupan dito sa bayan ng Kabacan nitong
Martes ng madaling araw.
Ito ayon kay Kapitan Raymundo Gracia punong
barangay ng Dagupan.
Ayon sa opisyal agad umanong umiskapo ang
nasabing buwaya ng makita ito ng ilang mga residente sa kanyang barangay.
Sa ngayon, takot na ang ilang mga residente
doon na pumunta sa kanilang sakahan dahil sa nakitang buwaya.
Ayon naman sa mismong nakakita nito na si Roland
Matullano ng brgy. Dagupan na agad nitong inireport sa pulisya ang nasabing
insedente upang matulungan sila katuwang ang MENRO na mahanap ang ansabing
hayop.
Batay sa police blotter, ang nasabing buwaya
ay may habang mahigit sa dalawang metro na ngayon ay pagala-gala sa mga ilog ng
Kabacan.
Patuloy naman ngayon ang panawagan ni MENRO
Officer Jerry Laoagan sa Publiko na kung sinu man ang nakakita o makahuli ng
nasabing buwaya ay wag barilin o patayin.
Mahigpit kasi itong ipinagbabawal batay sa
Republic Act 9147 o Wildlife Act.
Kaugnay nito pina-iingat din ng mga otoridad
ang mga residente partikular na ang mga bata na malapit sa ilog upang maiwasan
na malapa ng nasabing hayop. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento