(Kabacan, North Cotabato/ June 3, 2014) ---Kinumpirma
ng pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction Council na Apat-katao ang
namatay habang sinalanta naman ang ilang mga barangay ng mga pagbabaha sa
patuloy buhos ng ulan sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng North Cotabato
kamakalawa.
Ito ang sinabi sa DXVL ni PDRRMC Officer
Cynthia Ortega, unang nilamon ng tubig-baha ang mag-utol na batang sina
Shelron Jave Brania, 5; at Roneil Jeff Brania matapos matagpuan sa drainage
malapit lamang sa kanilang bahay sa Barangay Tibao, bayan ng M’lang.
Nabatid na nagpaalam ang mag-utol sa
kanilang nanay na si Shiela na makikinood ng telebisyon sa kapitbahay pero
hindi na nakabalik noong Miyerkules.
Pinaniniwalaang unang nahulog sa man-made
canal ang bunso nitong si Shelron kung saan tinulungan ito ng kanyang kuya na
si Ronel pero sa halip na mailigtas ang nakababatang kapatid ay nahulog din
ito.
Samantala, nilamon din ng tubig-baha ang
53-anyos na si Wilson Abensay habang tumatawid sa ilog sa barangay Luna Sur sa
bayan ng Makilala, North Cotabato.
Naitala naman ang isa pang patay sa bayan ng
Magpet na residente ng brgy. Doles na natagpuan namang lumulutang sa Kabacan
River ng Pres. Roxas ang biktimang nakilalang si Juan Piyad.
Sa hiwalay namang ulat ni Kabacan Municipal
Social Welfare and Officer Susan Macalipat, aabot sa 3,831 pamilya mula sa
pitong barangay sa bayan ng Kabacan ang apektado ng tubig-baha dahil sa
nakaraang mga pag-uulan sa bayan.
Kabilang sa apektado ay ang mga Barangay Dagupan,
Cuyapon, Upper Paatan, Katidtuan, Poblacion, Lower Paatan, at ang Barangay
Aringay. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento