Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 130 mga modified mufflers o tambutso, ipinasagasa sa pison ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2014) ---Abot sa 136 na mga open pipes o modified mufflers ang sinira sa pamamagitan ng pagpison na isinagawa sa harap ng munisipyo ng Kabacan kaninang umaga.


Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing mga tambutso ay mula sa mga nakumpiska nilang mga motorsiklo na may mga paglabag kaugnay sa open pipes na mahigpit na ipinagbabawal dito sa bayan.

Ang unang ceremonial destruction na ito ay sinaksihan ng mga kawani ng munisipyo, ilang mga opisyal ng bayan at ni Traffic Management Unit Head Ret. Col. Antonio Peralta sa pakikipagtulungan ng LGU Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr.

Ang mga sinirang tambutso ay ang kanilang nakumpiska mula buwan ng Hulyo ng nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.


Tiniyak naman ni Maribojo na magtuloy-tuloy ang kanilang kampanya para makumpiska ang mga gumagamit ng open pipes na bukod sa maingay ay nakakadisturbo pa kung gabi kapag minamaneho ang nasabing sasakyan. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding

0 comments:

Mag-post ng isang Komento