(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Tatlo
ang nagpositibo sa amoeba mula sa apat na mga indibidual sa ginawang pagsusuri
ng Rural Health Unit ng Kabacan makaraang isinugod sa Kabacan Polymedic
hospital apat katao karamihan mga bata matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan
at pagsusuka buhat sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.
Ito ang kinumpirma ngayong umaga sa DXVL
News ni Disease Surviellance coordinator Honey Joy Cabellon.
Posibleng naka-inum mula sa tubig puso ang
mga biktima ng mag amoeba kaya sumakit ang kanilang mga tiyan.
Mamayang hapon ay tutunguhin nan g Sanitary
Inspector ng RHUKabacan ang lugar para siyasatin ang source ng kanilang tubig
pinag-imnan.
Samantala ang mga isinugod naman sa
Ploymedic hospital ay sina Maludtem Palulod, 23 anyos, Daniel Palolod 2 taong
gulang, Eboy Lalapadsin, 2 taong gulang na ngayon ay patuloy na nilalapatan ng
lunas at isang 17-anyos na dinala naman sa USM Hospital. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento