Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sekyu patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang hot pursuit operation ng Kabacan PNP para mahuli ang responsable sa pagbaril patay sa isang 20-anyos na security guard makaraang barilin habang sakay sa kanyang motorsiklo sa Sitio Basak, Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joey Abanilla Dignadice, 20-anyos at residente ng Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat sakay ang biktima sa kanyang kulay asul na Kawasaki Bajaj na may license plate number NR 3178 at tinatahak ang nasabing highway at bulagta sa sakahan.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa likod nito dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang tinangay ng di pa nakilalang suspek ang kanyang minamanehong motorsiklo at tumalilis ng takbo sa di malamang direksiyon.

Samantala, sugatan naman ang dalawa katao sa magkahiwalay na pamamaril sa Purok Pag-asa, Aringay Kabacan, Cotabato alas 7:00 kagabi.

Sa report ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP kinilala ang mga biktima na sina Gener Rabino, 34 at Akmad Uyanan, 23 at residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang nasa balkonahe ng kanilang bahay ang dalawa dahil sa kasagsagan ng brownout ay pinagbabaril ang mga ito.

Kapwa nag tamo ng tama ng bala sa ulo ang mga biktima na mabilis namang isinugod sa USM Hospital.

Kapwas iniimbestigahan na ang nasabing insedente.  Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento