Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa pagbubukas ng klase sa Kabacan, tiniyak ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2014) ---Nakalatag na ang seguridad na ipinapatupad ngayon ng Kabacan PNP sa iba’t-ibang mga paaralan sa unang araw ng pasukan.

Ito ang tiniyak ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP kasabay ng pagdedeploy niya ng kanyang mga tauhan, kasama na ang militar at mga Barangay Peace Keeping Action team para sa augmentation sa lahat ng mga paaralan sa bayan.

Maaga pa kanina ay may mga naka-roving patrol teams na rin na naglilibot partikular na sa mga pampublikong paaralan kasama sa mga pinabantayan ay ang Kabacan Pilot Central Elementary School, isa sa pinakamalaking pampublikong paraalan sa bayan, Kabacan National High School at ilan pang mga pribadong paaralan.

Samantala, todo rin ang ginagawang paghihigpit sa seguridad sa loob ng University of Southern Mindanao na ipinapatupad ngayon ng USM Security force.


Inaasahan na rin ang pagdagsa ng mga libu-libong estudyate sa unang araw ng pasukan sa Pamantasan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento