(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Bagama’t
tukoy na ng Kabacan PNP ang responsable sa pagpaslang sa isang security guard
hindi muna ito idinetalye ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP upang
hindi madiskaril ang nagpapatuloy na hot
pursuit operation nila.
Matatandaang bulagta ang 20-anyos na
security guard na nagmomotorsiklo makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa
bahagi ng Sitio Basak, Barangay Kayaga ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Joey Abanilla
Dignadice ng Barangay Ugalingan, bayan ng Carmen, North Cotabato. Sa inisyal na
pagsisiyasat ng pulisya, papauwi na ang biktima nang harangin at barilin
bandang alas-7:30 ng gabi.
Makaraang tumilapon ang biktima sa palayan
ay tinangay ng gunmen ang motorsiklo nito.
Samantala, patuloy namang nagpapagaling ang
mag-asawa na biktima rin ng pamamaril sa Purok Pag-asa, Aringay Kabacan,
Cotabato.
Sa report ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP kinilala ang mga mag-asawa na sina Gener Rabino, 34 at Akmad
Uyanan, 23 at residente ng nabanggit na lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang nasa
balkonahe ng kanilang bahay ang dalawa dahil sa kasagsagan ng brownout ay
pinagbabaril ang mga ito.
Kapwa nag tamo ng tama ng bala sa ulo ang
mga biktima na mabilis namang isinugod sa USM Hospital.
Samantala, nagpalabas na rin ng deriktiba si
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa mga opisyal ng barangay na higpitan din ang
seguridad sa kanilang area.
Inatasan na rin nito ang pulisya na
paigtingin pa ang seguridad sa bayan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento