(Makilala, North Cotabato/ May 25,
2015) ---Patay on-the-spot ang isang driver habang sugatan naman ang helper
nito matapos na dumiretso sa open canal ang minamaneho nitong Prime Mover sa
bahagi ng National High Way sa Brgy. Bulatukan sa bayan ng Makilala, North Cotabato
dakung alas 12:00 noong Biyernes ng hating gabi.
Kinilala ng Makilala PNP ang nasawi
na isang Richard Gorgonio, 20 anyos, binata, ang drayber ng nasabing truck at
residente bayan ng Maco sa lalawigan ng Compostella Valley.
Habang sugatan naman ang helper nito
na kinilalang si Carlito Agustines, 32 anyos, at resident eng Brgy. Nueva Vida,
Mlang, North Cotabato na sa kasalukyan ay nagpapagaling sa isang bahay
pagamutan sa bayan ng Makilala.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon
na umano tinatahak ng Prime Mover Cargo Truck, may plakang LDY 560, ang daan
papuntang Davao City mula sa lalawigan ng Maguindanao nang pagsapit nito sa
kurbadang bahagi ng nasabing lugar at mawalan ito ng preno at tuluyan nang
dumiretso sa opencanal malapit lugar.
Patay on-the-spot ang drayber nito
habang isinugod naman sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang helper nito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento