(Kabacan, North Cotabato/ May 25,
2015) ---Kalaboso ngayon ang isang lalaki matapos na mahulhang nagdadala ng
illegal na druga sa Purok Kapayapaan, Zamora St. Brgy. Poblacion Kaqbacan
Cotabato dakung alas 7:15 noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang
OIC Chief ng Kabacan PNP ang suspek na isang Ernesto Gorion Y Elabaso Jr. 37
anyos, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa position ng suspek ang
isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.
Kasalukuyang ngayong nakapiit sa
Kabacan PNP Lock-up-cell ang suspek habang kakaharapin nito ang kasong paglabag
sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento