Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cong. Jose Ping Ping Tejada suportado ang BBL ngunit di pabor sa Section 3 ng Article 3 ng BBL

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2015) ---Suportado ni 3rd district Cong. Jose Ping Ping Tejada ang Bangsamoro Basic Law o BBL ngunit di pabor sa Section 3 ng Article 3. 

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng mambabatas na 65-70 porsyento umano ng proposed proposal ng BBL ay pumabor siya ngunit di nito nagustuhan ang probisyon ng Section 3 ng Article 3 on territory sa economic,infrastructure at social needs ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

Aniya, sana hindi muna isali at mas i-improve muna ang probisyon para mas mabigyan ng pansin ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Dagdag ng opisyal na nangagamba umano siya na kung ipagpapatuloy ang naturang probisyon ay baka sakaling hindi ito aprobahan at ideklarang unconstitutional at babalik lamang sa umpisa ang proseso ng BBL.


Tiniyak din ng mambabatas na nakakarating ang boses ng mga taga Cotabateño sa kongreso dahil palagi umano siyang dumadalo sa session at ipinaparating ang opinyon sa lahat ng isyu sa kongreso para sa kapakanan ng mamamayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento