By: Christine Limos
(Pikit,
North Cotabato/ May 15, 2015) ---Personal grudge ang nakikitang motibo sa pagbaril,
patay sa dating barangay kapitan ng Brgy. Talitay, Pikit North Cotabato alas
otso bente kamakalawa ng gabi.
Ito ay ayon kay PI Sindato Karim hepe ng Pikit
PNP sa panayam ng DXVL news.
Ipinaliwanag
ng opisyal na ayon sa pahayag ng mga witnesses personal grudge ang nakikitang
motibo sa pagpatay kay dating baranggay kapitan Haji Mohamad Judy Sabil, 61
anyos.
Dagdag
pa ng opisyal 5.56 M16 Armalite rifle ang ginamit sa pagbaril sa biktima.
Nagtamo
ng anim na tama ng bala mula sa armalite ang biktima at hindi na nagawa pang
isugod sa pagamutan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento