(Kabacan, North Cotabato/ May 17,
2015) ---Kalilintad, Kapayapaan, Katahimikan, Peace---ito ay iilan lamang sa
mga salitang hinango sa ibat-ibang linggwahe dito sa Cotabato.
Iisa lamang ang
ibig sabihin nito ngunit kadalasan mahirap unawain.
Ang bayan ng Kabacan ay isa
sa mga lugar sa Cotabato na saksi sa ibat ibang hidwaan na nagresulta sa
madugong engkwentro at mga inosenteng sibilyan ang
kadalasang biktima.
Si Janice, ipinanganak at tubong
Kabacan na ngayon ay isa ng guro, ay
naging saksi sa nagging epekto ng kaguluhan sa Cotabato.
Ayon sa kanya, masakit iwanan ang
kanilang tahanan, sakahan at pag-aaral ngunit kinakailangan upang maiwas sa
kaguluhan.
Sa kalagitnaan ng gabi, siya ay
ginising ng isang napakalakas na putok, malalakas na iyakan at sigawan ng mgabata
at matatanda—kanya na lamang nakita ang kanyang sarili na nabalot sa matinding takot,
sa gitna ng putikan, bit-bit ang maliit niyang school bag.
Ang Barangay ng Cuyapon ay isa sa
dalawampot apat na barangays dito sa bayan ng Kabacan at tahanan ng mga Muslim,
Kristiyano at Lumad na sa mga nagdaang taon, tahimik silang naninirahan sa kanilang komunidad. Ang
Barangay Cuyapon ay tanyag bilang “Peace Champion” sapagkat sa mahabang
panahon, kanilang napanatili ang pagbubuk-lod buklod ng tatlong tribu na
makikita sa kanilang taglay na pagkakakilanlan.
Mapapansin din, na halos bihasa ang
bawat mamamayan ng Cuyapon sa tatlong lingwahe nito.
Isang indikasyon na mataas ang lebel
ng social integration ng bawat tribu. Sa loob ng komunidad, ipinagbabawal ang
pagpapabili, pagdadala at ang pag inom ng alak isang napakasimpleng batas na
nangangailangan ng simpleng pang-unawa. Isang batas na naging susi kung bakit
hanggang sa ngayon, payapa ang nasabing lugar.
Sa isang mas malawak na usapin,
ano-ano na nga ba ang mga programa at inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng
Kabacan sa usaping pangkapayapaan? Paano ba babalangkasin ng Pamahalaan ang
ibig sabihin ng salitang Kapayapaan? Gaano ba kahanda ang Bayan ng
Kabacan sa usaping Comprehensive
Agreement on the Bangsamoro?
AKO SI SARRAH JANE CORPUZ-GUERRERO AT
ITO ANG DXVL SPECIAL REPORT.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento