Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 3K na botante ng Kabacan, nanganganib na matanggal sa listahan ng Comelec

Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2015) ---Nanganganib na matanggal sa listahan ng Comelec Kabacan ang mahigit sa 3 libung mga botante dahil sa walang mga biometrics ang mga ito.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa nasabing tanggapan na simula sa buwan ng Oktubre hanggang sa Nobyembre ng kasalukuyang taon ay sisimulan na nilang magtanggal ng mga pangalan.


Sa panayam ng DXVL News kay Gideon Falcis, isa sa mga kawani ng Comelec Kabacan na pagkatapos ng gagawing Election Board Hearing ay lilinisan na nila ang kanilang listahan.

Dagdag pa nito na kahit nakaparehistro ang isang botante kapag walang biometrics ay tatangalin pa rin nila.

Payo nito sa publiko na sumugod na ngayon sa Comelec habang may oras pa.

Napag-alaman pa na ni-lalangaw dahil sa walang katao-tao ang opisina ng comelec ng madatnan ng DXVL News dahil sa walang mga botante na pumunta upang magparehistro o magpa-activate.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento