Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3-anyos na bata, patay sa aksidente sa Highway ng Pigcawayan, North Cotabato

Rhoderick BeƱez

(Pigcawayan, North Cotabato/ May 18, 2015) ---Patay ang isang 3-anyos na paslit, makaraang masangkot sa isang aksidente  sa National Highway, partikular sa panulukan ng Manuangan sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato ala 1:00 ng hapon kamakalawa.

Sa impormasyong nakalap ng Pigcawayan PNP, lulan ang biktima sa isang motorsiklo na Kawasaki CT 100 na minamaneho ni Rasul Abdullah kasama ang ina ng bata at dalawa pang pasahero ng aksidenteng mabangga ang isang Mitsubishi Estrada.


Bitbit din ng ina ng biktima ang isa pa niyang kapatid na maswerte namang di napuruhan.

Dahil sa lakas ng impact tumilapon ang mga biktima sa sasakyan at napuruhan ang tatlung taong gulang na bata matapos na mabaguk ang ulo nito sa semento.

Naisugod pa sa pagamutan ang di kinilalang biktima pero binawian din ng buhay.


Kapwa naman nasa kustodiya ng Pigcawayan PNP ang dalawang sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento